Paggamit ng Sanayang Papel sa Kasanayan sa Wikang Pambansa ng mga Mag-Aaral sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.19329853Keywords:
Sanayang papel, Kasanayan sa Wikang Pambansa, Senior High School, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PilipinoAbstract
Mahalaga ang paglinang ng kasanayan sa Wikang Pambansa dahil nakatutulong ito sa higit na epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na tasahin ang kasanayan sa Wikang Pambansa ng mga mag-aaral sa Senior High School ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Camaligan sa taong Panuruan 2025-2026, gayundin matukoy ang kabisaan ng paggamit ng nabuong sanayang papel bilang kagamitang pampagtuturo sa asigntaurang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibo-komaparatibong metodolohiya at ang ADDIE Model sa pagbuo ng materyal. May apatnapu’t anim (46) na mag-aaral. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng pre-test at post-test na pagsusulit na ginawa ng mananaliksik. Sinuri ang mga datos gamit ang Mean, Standard Deviation, Proficiency Level, Weighted Mean at t-Test for dependent samplesgayundin ang Cohen’s d sa antas ng kabuluhan na 0.05. Ipinakita ng resulta na higit na mataas ang kasanayan ng mga mag-aaral sa mga paksang madalas ituro at may kaugnayan sa karanasan, samantalang higit na mababa naman ito sa mga paksang may impluwensyang pangwika mula sa ibang panahon. Ipinakita rin ng mga natuklasan na epektibo ang paggamit ng sanayang papel sa pagpapalalim ng pag-unawa at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
