Pagsusuri sa mga Salik na Nakaaapekto sa Kakayahan sa Wikang Filipino ng mga Mag-Aaral
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.16833175Keywords:
Kasanayan sa Filipino, Motibasyon, Pagkabalisa sa Wika, Unang Wika, at Pagkakalantad sa Mass MediaAbstract
Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa kasanayan sa wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 7 at 8 ng PSHS-CRC, kabilang ang unang wika, motibasyon, pagkabalisa sa wika, at pagkakalantad sa mass media. Gumamit ito ng quantitative na disenyo gamit ang apat na validated Likert-scale questionnaires (Cronbach alpha: 0.89–0.95). Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng Slovin’s Formula at random sampling, habang tinasa ang kasanayan sa Filipino batay sa inulat na grado (GWA). Ipinakita ng pagsusuri gamit ang deskriptibong estadistika, Kruskal-Wallis H test, at Mann-Whitney U test na ang motibasyon ang may pinakamalaking impluwensya sa kasanayan sa Filipino, habang banayad ang epekto ng pagkabalisa. Walang makabuluhang ugnayan ang unang wika at media exposure. Iminumungkahi ng pag-aaral na bigyang-pansin ang mga panloob na salik sa pagpapaunlad ng kasanayan sa Filipino.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.