Pagsusuring Leksikal Sa E-Tabloid Na Abante Tonite Gamit Ang Varayti At Gamit Ng Wika Tungo Sa Pagbuo Ng Gabay At Glosaryo Ng Mga Salita Na Magagamit Sa Pamamahayag Pangkampu
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.16948312Keywords:
Lexical Analysis, Language Variety, Language Functions, E-Tabloid, Abante Tonite, Gabay sa PamamahayagAbstract
Mahalagang bigyang empasis ang wika sa paglilinang ng pagsusulat lalo’t higit sa journalism na isinusulat sa pahayagang pampapel. Para sa pag-aaral na ito, ang pokus ay pagkakaalam sa varayti ng wika na ginagamit sa Abante Tonite bilang pinagmulan ng datos. Aalamin din ang gamit ng wika ayon sa teorya ni Halliday. Mula sa mga ito, isang gabay at glosaryo ng mga salita na magagamit sa pahayagang pangkampus ang nabuo. Gumamit ang pag-aaral ng embedded mixed method research design kung saan naka-angkla ang kwantitatibo (deskriptib research design) sa kwalitatibo (content analysis). Napag-alaman sa pananaliksik na ito na madalas na ginagamit ang Jargon o Asmiliadong Filipino sa mga pag-uulo ng balita. Higit ding makikita ang instrumental bilang gamit ng wika sa mga ulo ng mga balitang ito. Mula sa pinagsasama samang impormasyon, nakabuo ang mga mananaliksik ng isang gabay at glosaryo ng mga salita para sa mga mamamahayag na pangkampus.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
