Antas ng Kasanayan sa Pagkilala at Pagsulat sa Teksto: Batayan sa Pagbuo ng Sanayang-Aklat

Authors

  • Mark E. Ricohermoso, MAEd Mindoro State University Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.16873331

Keywords:

pagkilala ng teksto, pagsulat ng teksto, sanayang-aklat, kasanayan

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kasanayan sa pagkilala at pagsulat ng teksto ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Ito’y isinagawa mula Septiyembre 2024  hanggang Mayo  2025. Dalawang dalubguro at isang district quality assurance assesor mula sa dibisyon ng Marinduque ang sumuri sa talahanayan at talatanungang papel upang matiyak ang katumpakan ng pagtukoy sa kasanayan ng pagkilala at pagsulat ng teksto ng mga mag-aaral. Walumpu (80) mag-aaral sa baitang 7 ang kinuhaan ng datos.

Sa naging resulta ng pananaliksik na ito, napag-alamang mababa ang antas ng mag-aaral sa pagkilala ng teksto at may katamtamang kaalaman sa pagsulat ng teksto. Isa itong indikasyon na hindi matatag ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa pagkilala at pagsulat ng teksto Filipino. 

Kaya ang pag-aaral na ito ay nagnanais na mapunan ang mababang antas na kasanayang ito upang makapagsulat ng isang maayos at mainam na teksto gayundin sa pagkilala nito. Nagmungkahi ng mga gawain at hakbang upang mataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkilala at pagsulat ng teksto. Bumuo rin ng isang sanayang-aklat at tinawag itong SHaTaP. Ito ang  tutulong sa pagtamo ng mas mataas na kasanayan.

Sa kabuoan, ang pag-aaral na ito ay tumugon sa pagkilala ng teksto at pagsulat sa tekstong impormasyonal, ekspositori, at prosidyural.

Downloads

Published

2025-07-27

How to Cite

Ricohermoso, M. (2025). Antas ng Kasanayan sa Pagkilala at Pagsulat sa Teksto: Batayan sa Pagbuo ng Sanayang-Aklat. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 1(7), 306-331. https://doi.org/10.5281/zenodo.16873331

Similar Articles

1-10 of 223

You may also start an advanced similarity search for this article.