Antas ng Kamalayan Sa Ika-21 Siglo: Tuon Sa Pagbuo Ng Banghay-Aralin

Authors

  • Jessie G. Eleuterio Mindanao State University Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.16750043

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglayong matukoy ang kamalayan ng mga guro sa ika-21 siglong edukasyon na magsisilbing batayan sa pagbuo ng isang suplementong kagamitang panturo o Banghay-Aralin sa Filipino sa Baitang 7 na nakatuon sa 3KP o kritikal na pag-iisip, komunikasyon, kolaborasyon at pagkamalikhain. Ginawang legal na batayan ng pag-aaral ang Kautusang Pangkagawaran ng Edukasyon Blg. 7, serye ng 2015, pinaniniwalaang higit na nakasalalay sa kakayahan ng mga guro ang tagumpay ng anomang sistema ng edukasyon. Gumamit ng kuwantitatibong deskriptib-korelasyonal na disenyo upang ilarawan at suriin ang relasyon at mga baryabol. Pinili ang tatlumpong (30) mga guro bilang respondente na nagtuturo ng Filipino Baitang 7 sa Klaster 2 na may anim na Distrito at 16 na paaralang pansekundarya sa dibisyon ng Romblon sa tulong ng purposove sampling. Nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng isang talatanungan na nahahati sa tatlong bahagi. Ang profayl ng mga guro ay karamihang nasa edad 20-40, may iba't ibang tagal ng pagtuturo, karamihan ay nagtapos ng kursong Filipino, kalahati ng respondente ay dumalo sa 1-3 pagsasanay kaugnay ng K-12 kurikulum. Mataas ang antas ng kamalayan ng mga guro sa lahat ng aspeto - Kritikal na Pag-iisip, Komunikasyon, Kolaborasyon, at Pagkamalikhain. Walang makabuluhang pagkakaiba sa Kritikal na Pag-iisip at Kolaborasyon ang propayl ng mga guro samantalang may makabuluhang pagkakaiba sa Komunikasyon at Pagkamalikhain na nagmumungkahi na ang kamalayan sa mga kasanayang ito ay maaaring naiimpluwensyahan ng ilang aspeto ng kanilang propayl. Bagamat mataas ang antas ng kamalayan ng mga guro sa mga pangunahing kasanayan, nangangailangan pa rin ng targeted na mga programa sa pagsasanay at gabay na Banghay-Aralin na tutugon sa mga partikular na pangangailangan ng mga guro upang mapahusay ang kanilang kasanayan sa Komunikasyon at Pagkamalikhain. Nagkaroon ng rekomendasyon na ipagamit ang nabuong awtput ng pag-aaral sa mga gurong nagtuturo ng Filipino at magsagawa ng kahalintulad na pananaliksik na nakapokus sa mga baryabol na hindi nabanggit sa pag-aaral na ito.

Downloads

Published

2025-07-12

How to Cite

Eleuterio, J. (2025). Antas ng Kamalayan Sa Ika-21 Siglo: Tuon Sa Pagbuo Ng Banghay-Aralin. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 1(7), 239-256. https://doi.org/10.5281/zenodo.16750043