Kasanayang Panggramatika Sa Pagsulat Ng Akademikong Sulatin: Batayan Sa Pagbuo Ng Manwal At Website

Authors

  • Ma. Luisa A. Paralejas Mindoro State University Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.17169978

Keywords:

akademikong sulatin, kasanayang panggramatika, manwal, website, interbensyong pedagohikal

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng antas ng kaalaman at kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng HUMSS strand sa pagsusulat ng akademikong sulatin gaya ng replektibong sanaysay, posisyong papel, at talumpati. Gamit ang deskriptiv-korelasyonal at komparatibong disenyo, isinagawa ang pag-aaral sa apat na paaralan sa Distrito ng Victoria na may kabuuang 138 respondente, na napili sa pamamagitan ng stratified random sampling. Gumamit ng estandardisadong rubriks at iskalang hango sa patnubay ng Kagawaran ng Edukasyon upang sukatin ang antas ng kaalaman at kasanayang panggramatika, na tumuon sa wastong gamit ng balarila, estruktura ng pangungusap, pagkakaugnay-ugnay ng ideya, pagpili ng angkop na salita, at kawastuhan ng baybay at bantas. Lumabas sa resulta ng pagsusuri na may positibong ugnayan sa pagitan ng kaalaman sa pagsulat at kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral. Bilang tugon, binuo ang isang komprehensibong manwal at kaugnay na website bilang interbensyon upang mapabuti ang kanilang kasanayan sa akademikong pagsulat. Ang mga kagamitang ito ay nakabatay sa mga makabagong teorya sa pedagogiya at teknolohiya, at layong paigtingin ang lohikal, kritikal, at mabisang komunikasyon sa loob ng akademikong konteksto. Ang pananaliksik ay may mahahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga materyales at patakarang pang-edukasyon para sa mas epektibong pagtuturo ng gramatika sa Senior High School.

Downloads

Published

2025-09-06

How to Cite

Paralejas, M. L. (2025). Kasanayang Panggramatika Sa Pagsulat Ng Akademikong Sulatin: Batayan Sa Pagbuo Ng Manwal At Website. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 1(9), 281-288. https://doi.org/10.5281/zenodo.17169978