E-Gramatika: Tugon sa Paggamit ng mga Salitang Gen Z sa Akademikong Sulatin ng mga Mag-aaral sa Batangas City South Senior High School
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20491733Keywords:
e-gramatika, Gen Z slang, akademikong sulatin, internet lingo, gramatika, bantas, pagbabaybay, pagtatayaAbstract
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “E-Gramatika: Tugon sa Paggamit ng mga Salitang Gen Z sa Akademikong Sulatin ng mga Mag-aaral sa Batangas City South Senior High School” ay naglalayong matukoy ang lawak ng paggamit ng mga salitang Gen Z sa akademikong sulatin ng mga mag-aaral at ang epekto nito sa kanilang kasanayan sa wastong paggamit ng wika, partikular sa gramatika, pagbabaybay, at bantas. Layunin din nitong masuri ang E-Gramatika bilang inobatibong kagamitang panturo.
Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong disenyo at kwantitatibong pamamaraan. Lumahok dito ang 45 na mag-aaral ng Baitang 12 HUMSS sa Batangas City South Senior High School, Taong Panuruan 2025–2026. Gumamit ng talatanungan at teacher-made test upang masukat ang kasanayan at pananaw sa paggamit ng wika at E-Gramatika.
Batay sa resulta, lumabas na ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong gramatika, pagbabaybay, at paggamit ng bantas ay nasa antas na Sumasang-ayon, na nagpapakita ng sapat ngunit hindi pa ganap na matatag na kasanayan, lalo na sa pagsusuri at pagwawasto ng sariling sulatin. Sa epekto ng Gen Z slang, lumabas na ito ay may parehong positibo at negatibong epekto sa akademikong pagsulat dahil nakatutulong ito sa pagiging makabago ngunit nakababawas sa pormalidad, bokabularyo, at gramatikal na integridad ng sulatin. Samantala, ang E-Gramatika ay napatunayang epektibong kagamitang panturo na nakatutulong sa pagpapaunlad ng bokabularyo, kumpiyansa, at kasanayan sa pagsulat. Gayunpaman, may ilang hamon tulad ng pagkakaiba-iba ng kasanayan sa teknolohiya at limitasyon sa internet.
Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na ang E-Gramatika ay isang kapaki-pakinabang na inobasyon upang matugunan ang epekto ng Gen Z slang at mapahusay ang kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
