Iskafolding Teknik sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20337630Keywords:
iskafolding, sistematikong gabay sa pagsulat, sanaysay, kasanayan sa pagsulat, akademikong pagsulatAbstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay sa pamamagitan ng paggamit ng iskafolding teknik bilang batayan sa pagbuo ng Sistematized Writing Guide. Sinuri nito ang antas ng kasanayan sa nilalaman, organisasyon, at gamit ng wika, pati na ang pag-unawa, karanasan, at mga hamon ng mga mag-aaral sa paggamit ng nasabing teknik.
Gumamit ang mananaliksik ng kwantitatibong disenyo at nagsagawa ng sarbey sa tatlumpung (30) mag-aaral ng Baitang 11 HUMSS mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Sta. Teresita, taong panuruan 2025–2026.
Lumabas sa resulta na mataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa tatlong aspekto ng pagsulat. Sa nilalaman, mahusay silang maglahad at magsuri ng ideya, ngunit kailangan pang linangin ang pagpapahayag ng sariling pananaw. Sa organisasyon, maayos at lohikal ang daloy ng ideya ngunit dapat pang paghusayin ang paggamit ng mga salitang nag-uugnay. Sa gamit ng wika, epektibo at malikhain ang pagpapahayag, ngunit kinakailangan pa ng pagsasanay sa bokabularyo, ispeling, at bantas.
Napatunayan ding may mataas na pag-unawa ang mga mag-aaral sa iskafolding teknik. Nakatulong ito upang maging malinaw, organisado, at sistematiko ang kanilang pagsulat, at nagdulot ng pagtaas ng interes, motibasyon, at kumpiyansa sa sarili. Gayunpaman, may mga hamon tulad ng kakulangan sa oras, hirap sa pagsunod sa hakbang, at pangangailangan ng tuloy-tuloy na gabay ng guro.
Bunga nito, nabuo ang Sistematized Writing Guide na naglalayong higit pang paunlarin ang kasanayan sa pagsulat. Inirerekomenda ang mas pinaigting na paggamit ng iskafolding, sapat na oras sa pagsasanay, at malinaw na panuto upang mapahusay ang akademikong pagsulat ng mga mag-aaral.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
