Antas na Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Tulos Taong Panuruan 2025-2026
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20340678Keywords:
kasanayan sa pagsulat, sanaysay, organisasyon, bokabularyo, estratehiya sa pagtuturoAbstract
Ang pananaliksik na ito ay may layuning matukoy ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Tulos sa Taong Panuruan 2025–2026, kabilang ang kanilang kakayahan sa nilalaman, organisasyon, bokabularyo, at gamit ng wika, gayundin ang mga estratehiya ng guro at mga suliraning kinahaharap sa pagsulat.
Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong disenyo na may kwantitatibong pamamaraan, na kinasangkutan ng tatlumpu’t anim (36) na mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ginamit ang talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos, at sinuri ang mga ito gamit ang weighted mean.
Batay sa resulta, natuklasang ang mga mag-aaral ay may katamtamang antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay, kung saan pinakamataas ang marka sa bokabularyo at gamit ng wika, na sinusundan ng organisasyon at nilalaman, habang may kakulangan sa wastong paggamit ng gramatika at panandang-diskurso. Ipinakita rin na ang mga estratehiya ng guro tulad ng peer editing, pagbibigay ng feedback, at contextualized writing activities ay nakatulong sa pagpapataas ng kasanayan sa pagsulat, bagaman may mga hamon tulad ng kakulangan sa oras, limitadong bokabularyo, at kahirapan sa lohikal na pagkakasunod-sunod ng ideya.
Sa kabuuan, ipinakikita na ang pagsulat ng sanaysay ay mahalagang kasanayan na nangangailangan ng patuloy na pagsasanay at wastong gabay mula sa guro, kaya’t inirerekomenda ang paggamit ng interaktibo at makabagong estratehiya sa pagtuturo upang higit na malinang ang malikhaing at kritikal na pagsulat ng mga mag-aaral.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
