Pagpapataas ng Lebel ng Interes sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino Gamit ang Interkultural na Tematikong Integrasyon

Authors

  • Frinces Mariel C. Caminero Gov. Feliciano Leviste Memorial National High School/ Golden Gate Colleges Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20438803

Keywords:

Interkultural na Tematikong Integrasyon, Interes sa Pagkatuto, Asignaturang Filipino, SPFL Korean Language, Kolaboratibong Pagtuturo, Kasanayan sa Wika.

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na mapataas ang antas ng interes ng mga mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang ng SPFL Korean Language sa pagkatuto ng asignaturang Filipino gamit ang Interkultural na Tematikong Integrasyon bilang pangunahing estratehiya sa pagtuturo. Gumamit ito ng kwantitatibong disenyo ng pananaliksik sa pagsusuri ng datos mula sa tatlumpung (30) mag-aaral ng Governor Feliciano Leviste Memorial National High School, taong panuruan 2025–2026. Sa pamamagitan ng talatanungan, natukoy ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng interaktibong pamamaraan ng pagtuturo, pag-unawa sa nilalaman ng aralin, at aktibong pakikilahok sa klase.

Lumabas sa pag-aaral na epektibong naisasagawa ng mga guro ang interkultural na thematic integration sa pagtuturo ng Filipino, na nagbubunga ng mas mataas na motibasyon, partisipasyon, at paggalang sa pagkakaibang kultural ng mga mag-aaral. Gayunman, natukoy din ang ilang hamon tulad ng kakulangan ng kagamitang panturo, limitadong oras, at hindi pantay na partisipasyon sa klase. Ipinahihiwatig ng mga natuklasan na ang masusing paghahanda ng mga materyales at paggamit ng makabagong, kolaboratibo, at kontekstuwalisadong gawain ay mahalaga upang higit na mapalalim ang pag-unawa at interes ng mga mag-aaral. Bilang tugon, iminungkahi ang pagbuo ng anim-na-linggong panlinang na plano bilang interbensiyon upang isulong ang interkultural na pagkatuto sa Filipino. Sa kabuoan, pinatutunayan ng pag-aaral na ang Interkultural na Tematikong Integrasyon ay isang mabisang estratehiya sa pagpapataas ng interes, kasanayan, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa kontekstong Asyano.

Downloads

Published

2026-06-01

How to Cite

Caminero, F. M. (2026). Pagpapataas ng Lebel ng Interes sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino Gamit ang Interkultural na Tematikong Integrasyon. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 633-644. https://doi.org/10.5281/zenodo.20438803

Similar Articles

1-10 of 480

You may also start an advanced similarity search for this article.