Pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa mga Senior High School sa Sangay na Lunsod Batangas

Authors

  • Neomar G. Llupar Golden Gate Colleges Author
  • Demetrio B. Bautista, PhD Golden Gate Colleges Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20340770

Keywords:

Interkultural na Tematikong Integrasyon, Interes sa Pagkatuto, Asignaturang Filipino, SPFL Korean Language, Kolaboratibong Pagtuturo, Kasanayan sa Wika.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang papel ng magulang sa tagumpay ng mag-aaral sa konteksto ng kanilang pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan sa Procopio Mailig Memorial School para sa taong panuruan 2025–2026. Gumamit ito ng deskriptibong disenyo at nilahukan ng 74 na mag-aaral sa Grade 8 at kanilang 74 na magulang o tagapag-alaga. Sinuri ang pakikilahok ng magulang sa pagpupulong, gawaing pang-akademiko, at pagsuporta sa mga programang pangpaaralan, gayundin ang antas ng tagumpay ng mag-aaral sa akademikong pagganap, disiplina, at paglahok sa mga aktibidad.

Ipinakita ng resulta na bahagyang nakikilahok ang mga magulang sa mga gawaing pampaaralan. Natukoy namang bahagyang mataas ang akademikong pagganap at paglahok ng mga mag-aaral sa gawain, samantalang mataas ang kanilang disiplina at asal. Para sa mga mag-aaral, ang pakikilahok ng kanilang magulang ay bahagyang mahalaga sa kanilang tagumpay. Lumitaw din na ang pangunahing hadlang sa partisipasyon ng magulang ay ang trabaho, stress, at kakulangan sa kasanayang teknolohikal.

Bilang tugon, iminungkahi ang pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa ugnayan ng paaralan at magulang. Inirekomenda rin ang pagpapatibay ng mga programang pang-akademiko at pang-disiplina upang higit na mapaunlad ang tagumpay ng mga mag-aaral.

Downloads

Published

2026-06-01

How to Cite

Llupar, N., & Bautista, D. (2026). Pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto sa mga Senior High School sa Sangay na Lunsod Batangas. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 278-315. https://doi.org/10.5281/zenodo.20340770

Similar Articles

1-10 of 480

You may also start an advanced similarity search for this article.