Peer-Assisted Learning (PAL) Sa Pagpapahusay Ng Kakayahan Sa Pagbasa Ng May Pang-Unawa Sa Tuy Senior High School

Authors

  • Marimar M. Jonson Golden Gate College Author
  • Demetrio B. Bautista, PhD Golden Gate College Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.21645556

Keywords:

peer-assisted learning, komprehensyon, enhancement peer-assisted learning activities, preliminary, akademikong pagganap

Abstract

Nakatuon ang pag-aaral na ito na masuri ang antas ng kakayahang makabasa ng may pang-unawa ng mga mag-aaral, kasama nito ay malaman ang epekto ng pagpapatupad ng kolaboratibong pagdulog sa pagbasa ang peer-assisted learning bilang estratehiya upang mapaunlad ang kakayahang makabasa ng may pang-unawa ng mga mag-aaral. Gumamit ang mananaliksik ng palarawang disenyo ng pananaliksik (descriptive research design).

Nailahad sa resulta ng pag-aaral na hindi pa gaanong mataas ang antas ng kakayahang makabasa ng may pang-unawa ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda, naging kawili-wili naman ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng estratehiyang peer-assisted learning upang mapaunlad ang kanilang komprehensiyon sa pagbasa. Nanatiling positibo ang paglalarawan ng mga mag-aaral sa peer-assisted learning kung saan malaki ang tulong nito sa kanilang pagbasa tungo sa pagpapaunlad ng kanilang akademikong pagganap. Ngunit lumabas din ang iba’t ibang hamong naranasan ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng peer-assisted learning. Batay sa mga natuklasan, binuo ng mananaliksik ang isang planong pagpapaunlad pa ng preliminary peer-assisted learning activities upang higit na mapaunlad pa ang kakayahan sa pang-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Filipino.

Downloads

Published

2026-07-28

How to Cite

Jonson , M., & Bautista, D. (2026). Peer-Assisted Learning (PAL) Sa Pagpapahusay Ng Kakayahan Sa Pagbasa Ng May Pang-Unawa Sa Tuy Senior High School. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(7), 2805-2821. https://doi.org/10.5281/zenodo.21645556

Similar Articles

1-10 of 494

You may also start an advanced similarity search for this article.