Mga Estratehiya sa Pagtuturo at Karanasan sa Pananaliksik ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Unang Distrito ng Batangas

Authors

  • Nikka Zayra P. Buela Golden Gate Colleges Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.21429578

Keywords:

estratehiya sa pagtuturo, karanasan sa pananaliksik, Senior High School, Filipino, teknolohikal na kagamitang panturo

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglayong suriin ang mga estratehiya sa pagtuturo at  karanasan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa Senior High School sa Unang Distrito  ng Batangas. Nilayon nitong matukoy ang lawak ng paggamit ng mga estratehiya sa  pagtuturo ng pananaliksik batay sa pag-unawa, aplikasyon, at pagkatuto ng mga mag-aaral, gayundin ang lawak ng pagpapakita ng karanasan ng mga mag-aaral sa pagsusulat  ng pananaliksik ayon sa interes, pagpili ng paksa, at kasanayan. Gumamit ang  mananaliksik ng mixed-method design na pinagsasama ang kwantitatibo sa  deskriptibong disenyo at kwalitatibo sa dulog na phenomenological. Isinagawa ang  sarbey sa mga piling guro sa Filipino at Ingles sa iba’t ibang Senior High School sa  Unang Distrito, at sinamahan ng panayam upang makuha ang mas malalim na datos  hinggil sa mga hamon sa pagtuturo ng pananaliksik.  

Lumabas sa resulta na madalas gamitin ng mga guro ang iba’t ibang estratehiya  sa pagtuturo, subalit nananatiling hamon ang kakulangan sa teknikal na kasanayan,  limitadong kagamitan, at mababang interes ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng  pananaliksik. Napatunayan ding may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga  estratehiyang ginagamit ng mga guro at ng karanasan ng mga mag-aaral sa pagsusulat  ng pananaliksik. Batay sa mga natuklasan, bumuo ang mananaliksik ng kagamitang  panturo na hango sa makabagong teknolohiya upang higit na mapaunlad ang pagtuturo  at pagkatuto ng pananaliksik sa Filipino.  

Downloads

Published

2026-07-18

How to Cite

Buela , N. Z. (2026). Mga Estratehiya sa Pagtuturo at Karanasan sa Pananaliksik ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Unang Distrito ng Batangas. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(7), 1706-1726. https://doi.org/10.5281/zenodo.21429578

Similar Articles

1-10 of 730

You may also start an advanced similarity search for this article.