Estratehiya ng mga Guro at Kakayahang Panggramatika ng mga Mag-aaral sa Filipino 10

Authors

  • Lourdes Sierva Israel Dr. Rodolfo V. Pamor Jr. Memorial National High School Author
  • Delia Cadag -Villanueva Naga College Foundation Inc. Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20172756

Keywords:

estratehiya sa pagtuturo, kakayahang panggramatika, kontekstuwalisadong pagtuturo

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang ugnayan ng mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino at ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa Filipino 10 sa pitong pampublikong paaralang pansekundarya sa Distrito ng Tigaon, Sangay ng Camarines Sur, Taong Panuruan 2025–2026. Layunin nitong matukoy ang antas ng performans ng mga guro sa paggamit ng talasalitaan, pabuod, pagtuklas, at pasaklaw; masukat ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika; masuri ang ugnayan at impluwensya ng mga estratehiya sa pagtuturo; at makabuo ng angkop na kontekstuwal na sanayan. Ginamit sa pananaliksik ang deskriptibo-korelasiyonal na disenyo upang mailarawan ang antas ng paggamit ng mga estratehiya ng mga guro at ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral, gayundin upang matukoy ang ugnayan ng mga baryabol. Ang mga respondente ay 309 mag-aaral na pinili mula sa kabuuang 1,361 mag-aaral gamit ang stratified sampling at Yamane’s Formula. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng sarbey-kwestyoneyr at pagsusulit sa kakayahang panggramatika. Natuklasan na may mataas na performans ang mga guro sa paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo, lalo na sa talasalitaan. Mataas din ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa lahat ng aspekto, partikular sa semantika. Sa mga estratehiya, ang pamaraang pabuod ang nagpakita ng makabuluhang ugnayan sa morpolohiya, sintaks, at semantika. Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na mahalaga ang kontekstuwalisado at makabagong pagtuturo sa pagpapaunlad ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa Filipino.

Downloads

Published

2026-05-14

How to Cite

Sierva Israel, L., & Cadag -Villanueva, D. (2026). Estratehiya ng mga Guro at Kakayahang Panggramatika ng mga Mag-aaral sa Filipino 10. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(5), 1759-1776. https://doi.org/10.5281/zenodo.20172756

Similar Articles

1-10 of 148

You may also start an advanced similarity search for this article.