Pagpapahusay ng Kasanayan sa Pagkatuto ng Panitikan Gamit ang Canva at Quizizz sa Mga Mag-aaral ng Bayanan National High School

Authors

  • Diane R. Yaco Golden Gate Colleges: Bayanan National High School Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20438939

Keywords:

Kasanayan, Pagkatuto, Canva, Quizizz, Panitikan, Supplementaryong Kagamitan

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Pagpapahusay ng Kasanayan sa Pagkatuto ng Panitikan gamit ang Canva at Quizizz para sa mga mag-aaral ng Baitang 10 ng Bayanan National High School.” Sinusuri nito ang antas ng kanilang kasanayan sa teknolohiya, pagdidisenyo ng aralin, at pagtatasa, pati na rin ang epekto ng Canva, Quizizz, at kanilang kombinasyon sa pagkatuto at interes ng mga mag-aaral. Tinutukoy rin ng pag-aaral ang mga hamon na kanilang nararanasan at nagmumungkahi ng angkop na supplementaryong kagamitan batay sa resulta.


Ang mga respondente sa pag-aaral ay binubuo ng limampung (50) mag-aaral sa Baitang 10 sa naturang paaralan na dumaan sa random sampling. Gayundin, ginamit ang talatanungan upang makakalap ng datos at ginamit naman ng kwantatibong paraan upang hanapin ang average, paggawa ng prediksyon, at paglalarawan ng mga resulta sa mas malawak na populasyon.


Napatunayan sa pag-aaral na may sapat na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng panitikan gamit ang Canva at Quizizz, bagama’t kailangan pa ng karagdagang kaalaman at pagsasanay sa teknolohiya at malikhaing pagdidisenyo ng aralin. Ipinakita rin na may makabuluhang epekto ang mga digital na platapormang ito, pati ang kanilang pinagsamang paggamit, sa pagpapahusay ng kasanayan, interes, at motibasyon ng mga mag-aaral. Gayunpaman, may hamon sa kakulangan ng angkop na materyales para sa kontekstong pampanitikan. Bilang tugon, nakabuo ng supplementaryong kagamitan upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto


Inirekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod: una, magkaroon ng balidasyon ang awtput ng mananaliksik sa tulong ng mga dalubhasang propesor sa pananaliksik; ikalawa, maaaring bigyang-pansin ng guro ang mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan upang hindi nila ito kabagutan kundi mas mapukaw ang kanilang interes at mas lalo pang mahalin ang asignaturang ito; ikatlo, maaaring patuloy na ipagamit ng guro sa mga mag-aaral o sa iba pang edukador ang nilikhang supplementaryong kagamitan bilang isang mabisang estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto sa panitikan; at ikaapat, para sa mga susunod na mananaliksik, maaaring isagawa ang ganitong pag-aaral upang mapag-igting pa ang kakayahan, kasanayan, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral na alinsunod sa ika-21 siglo ng makabagong paaran ng pagtuturo.

Downloads

Published

2026-06-01

How to Cite

Yaco , D. (2026). Pagpapahusay ng Kasanayan sa Pagkatuto ng Panitikan Gamit ang Canva at Quizizz sa Mga Mag-aaral ng Bayanan National High School. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 726-745. https://doi.org/10.5281/zenodo.20438939

Similar Articles

1-10 of 24

You may also start an advanced similarity search for this article.