Sanayang-Aklat: Epekto sa Pagpapalawak ng Talasalitaan at Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pag-Unawa sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20621099Keywords:
Sanayang-aklat, Talasalitaan, Kasanayan sa Pagbasa, Deskriptibo-Komparatibo, ADDIE Model, Interbensiyong Kagamitang PampagtuturoAbstract
Mahalaga ang paglinang ng kasanayan sa pagbasa dahil ito ang nagsisilbing pundasyon ng lahat ng pagkatuto, akademikong tagumpay, at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang epekto ng binuong sanayang-aklat sa pagpapalawak ng talasalitaan at pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 9 ng Naga City Science High School para sa Taong Panuruan 2024–2025, gayundin matukoy ang kabisaan ng paggamit ng nabuong sanayang-aklat bilang interbensiyonal na kagamitang pampagtuturo. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibo-komparatibong metodolohiya at ang ADDIE Model sa pagbuo ng materyal. Isandaan at siyam (109) na mag-aaral ang naging kalahok na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng pre-test at post-test na pagsusulit na ginawa ng mananaliksik. Sinuri ang mga datos gamit ang Mean, Standard Deviation, Proficiency Level Matrix, Frequency at Percentage, at paired t-test, gayundin ang Cohen’s d. Ipinakita ng resulta na bago ang interbensiyon, ang mga mag-aaral ay nasa katamtaman hanggang mababang antas ng kasanayan sa pagbasa. Gayunpaman, matapos gamitin ang sanayang-aklat, nagkaroon ng makabuluhang pag-unlad sa kanilang kasanayan batay sa pagsusuring estadistikal. Ipinakita rito na epektibo ang paggamit ng sanayang-aklat sa pagpapalalim ng kaalaman at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa talasalitaan at pag-unawa. Inirerekomenda ang paggamit ng kagamitang pampagtuturo bilang interbensiyon sa pagpapataas ng antas ng literasiya ng mga mag-aaral.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
