Mga Katutubong Kuwento: Kagamitang Pampagtuturo Sa Ikapitong Baitang Ng Sekundarya Ng Lagawe, Ifugao

Authors

  • Neomi Dinamling-Takinan Ifugao State University Author
  • Alicia B. Binwag Ifugao State University Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.17045446

Keywords:

Kagamitang Pampagtuturo, Kultura, Aral, Kahalagahan

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay may layuning tipunin ang mga katutubong kwento ng Lagawe, Ifugao at pagkatapos ay inuri ang mga ito. Isinalin ang mga ito sa wikang Filipino at sinuri ang kultura, aral at kahalagahan ng mga ito. Mula sa mga tinipong katutubong kwento ay nakabuo ang mananaliksik ng isang kagamitang pampagtuturo na maaaring gamitin sa paaralan para sa ikapitong baitang ng sekundarya sa Lagawe, Ifugao.      

Gumamit ng kwalitibong uri ng pananaliksik particular sa etnograpiyang pamamaraan kung saan nakapanayam ng mananaliksik ang walong impormante ng Lagawe, Ifugao na pinagmulan ng mga datos.

Batay sa resulta ng pag-aaral, napag-alamang maaaring uriin ang mga katutubong kuwento sa kwentong bayan, alamat, mito at pabula. Napag-alaman ding ang mga ito ay naglalaman ng mga kultura at paniniwala ng mga tao sa Lagawe, Ifugao katulad ng mga paniniwala sa diyos, diyosa at mga anito.

Kinapapalooban din ang mga ito ng mga aral at kahalagahan tulad ng katapangan, kasipagan, pagmamahalan at pagkakaisa.

Ang mga katutubong kwento ay ginamit upang makabuo ng isang kagamitang pampagtuturo sa panitikan. Ito ay isang kagamitang pampagtuturo para sa ikapitong baitang ng sekundarya sa Lagawe, Ifugao bilang basehan upang mapag-aralan ang ibang katutubong kuwento o katutubong panitikan na matatagpuan sa iba pang munisipalidad sa lalawigan ng Ifugao.

Downloads

Published

2025-08-25

How to Cite

Takinan, N., & Binwag, A. (2025). Mga Katutubong Kuwento: Kagamitang Pampagtuturo Sa Ikapitong Baitang Ng Sekundarya Ng Lagawe, Ifugao. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 1(8), 593-618. https://doi.org/10.5281/zenodo.17045446

Similar Articles

You may also start an advanced similarity search for this article.