Mga Kwentong Bayan ng Banaue, Ifugao: Ugnayan ng Panitikan at Pag-uugali ng mga Katutubo
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.18424882Keywords:
kwentong bayan, Banaue, Ifugao, pag-uugali ng katutubo, panitikang katutubo, pagiging mapagmahal, pagiging masunurin, pagiging matiisin, pagiging mapaghiganti, pagiging mapanlamang, tematikong pagsusuriAbstract
Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pagsusuri sa mga pag-uugaling nakapaloob sa labindalawang kwentong bayan ng Banaue, Ifugao. Layunin ng pananaliksik na matukoy ang mga pag-uugali ng mga katutubo na masasalamin sa kanilang mga katutubong kwento at maipakita ang ugnayan ng panitikan sa pag-unawa at pagpapanatili ng kulturang Ifugao. Gumamit ang pag-aaral ng in-depth interview at focus group discussion (FGD) sa sampung (10) kalahok mula sa Banaue na may malalim na kaalaman sa mga kwento. Sinuri ang mga datos gamit ang thematic analysis model nina Braun at Clarke (2006). Ayon sa mga resulta, natukoy ang limang pangunahing pag-uugali sa mga kwentong bayan: pagiging mapagmahal, pagiging masunurin, pagiging matiisin, pagiging mapaghiganti, at pagiging mapanlamang. Ang mga temang ito ay nagpapakita kung paano sumasalamin ang panitikan sa mga pagpapahalaga, hamon, at karanasan ng mga taga-Ifugao, at kung paano ito nagsisilbing instrumento sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kanilang kultura. Inirerekomenda ang pagpapahalaga at paggamit ng mga katutubong kwento bilang bahagi ng edukasyon at kultural na pagpapanumbalik.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
