Ang Panitikang Filipino sa Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagtuturo

Authors

  • Lyza Marie A. Candia Golden Gate College Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20438787

Keywords:

Panitikang Filipino, Kulturang Pilipino, Kagamitang Pampagtuturo

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “ANG PANITIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG KULTURANG PILIPINO BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO”

 

Sa isinagawang pag-aaral, gumamit ang mananaliksik ng disenyong deskriptibo upang makalap ang mga tiyak na kasagutan at mahahalagang impormasyong kinakailangan sa pagsasakatuparan nito. Ang disenyong ito ay angkop sa paksang pinag-aaralan at nakatutulong upang mapabilis ang pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente.

 

Batay sa naging resulta ng pag-aaral, lumabas na ang antas ng pagpapalaganap ng kulturang Pilipino ay nasa lebel ng pagsang-ayon, na nagpapakitang umiiral ang mga hakbang upang maipamahagi ito sa mga mag-aaral at sa lipunan. Napatunayan din na sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa kanilang lebel ng kahusayan sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino, na nagpapakita ng kamalayan at aktibong pakikilahok sa pagpreserba nito. Dagdag pa rito, lumitaw na may signipikanteng ugnayan sa pagitan ng antas ng pagpapalaganap at ng kahusayan ng mga mag-aaral, na nangangahulugang habang tumataas ang antas ng pagpapalaganap, tumataas din ang kanilang kakayahang maunawaan at maipahalaga ang kulturang Pilipino. Gayunpaman, nananatiling hamon ang mababaw na pag-unawa ng publiko at kakulangan sa epektibong pagpapalaganap ng kultura lalo na sa larangan ng edukasyon at media. Sa kabila nito, ipinakita ng pag-aaral na epektibo ang mga iminungkahing gawain sa modyul upang higit na mapalawak ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa panitikang Filipino bilang salamin ng kulturang Pilipino.

Downloads

Published

2026-06-01

How to Cite

Candia , L. M. (2026). Ang Panitikang Filipino sa Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagtuturo. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 613-632. https://doi.org/10.5281/zenodo.20438787

Similar Articles

1-10 of 55

You may also start an advanced similarity search for this article.