Pagtanggap sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Akdang Tula sa Filipino sa Panahon ng Digital na Teknolohiya

Authors

  • May Ann D. Medina Golden Gate Colleges Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20337612

Keywords:

pagtanggap, tula, digital na teknolohiya, interes, pag-unawa, Filipino

Abstract

Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa pagbasa ng akdang tula sa Filipino sa panahon ng digital na teknolohiya. Tinutukoy nito kung paano naaapektuhan ng makabagong midya ang kanilang pananaw, interes, kasanayan sa pag-unawa, at mga balakid na humahadlang sa pagpapahalaga sa panitikan. Gumamit ang mananaliksik ng palarawang disenyo ng pananaliksik (descriptive research design).

 

Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng pagtanggap sa pagbabasa ng tula sa Filipino, partikular kapag ito ay ipinapakita sa digital na anyo. Ang paggamit ng internet ay nakatutulong sa pag-unawa ng malalalim na salita, habang ang mga digital na sanggunian ay nagiging mabisang kasangkapan sa paglinang ng malikhaing interpretasyon. Gayunpaman, napag-alaman din na ang teknolohiya ay maaaring magdulot ng distraksiyon sa oras at atensyon ng mga mag-aaral, at may kakulangan pa rin sa angkop na kagamitang pampanitikan. Sa kabila nito, nanatiling positibo ang pananaw ng mga mag-aaral sa tula bilang daluyan ng damdamin at pagpapahalaga sa wika. Batay sa mga natuklasan, binuo ng mananaliksik ang isang planong interbensyon upang higit na mapaunlad ang interes at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pagbasa ng tula sa Filipino.

Downloads

Published

2026-06-01

How to Cite

Medina , M. A. (2026). Pagtanggap sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Akdang Tula sa Filipino sa Panahon ng Digital na Teknolohiya. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 205-209. https://doi.org/10.5281/zenodo.20337612

Similar Articles

1-10 of 402

You may also start an advanced similarity search for this article.