Paggamit ng mga Dagli ni Eros at Alia Bilang Lunsaran sa Pagpapaunlad ng Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral

Authors

  • Marvin Mercado Golden Gate Colleges Author
  • Apolonio M. Fababaer EdD Golden Gate Colleges Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.21244531

Keywords:

Dagli, Kritikal na Pag-iisip, Lunsaran, Isyung panlipunan

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “ Paggamit ng mga  Dagli ni Eros Atalia Bilang Lunsaran sa Pagpapaunlad ng Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral”.  Sa konteksto ng makabagong edukasyon, kinikilala ang pangangailangang lampasan ang payak na pag-unawa tungo sa mas mataas na antas ng pagsusuri, interpretasyon, at pagtataya ng mga tekstong pampanitikan. Batay sa mga ulat tulad ng PISA 2022, nananatiling hamon ang kakayahan ng mga mag-aaral sa malalim na pagbasa at pag-unawa, kaya’t kinakailangan ang mga estratehiyang angkop sa kanilang interes at kakayahan.

Ang mga respondente sa pag-aaral ay binubuo ng animnaput walong  (68) na mag-aaral sa Baitang 9 at 10  sa naturang paaralan na dumaan sa random sampling. Gayundin, ginamit ang talatanungan upang makakalap ng datos at ginamit naman ang deskriptiv-ebaluwatib na pamamaraan ng pananaliksik sapagkat hindi lamang nagtatapos sa pagsasagawa ng talahanayan ng mga datos kundi ganoon din ay paglalarawan sa mga kahulugan ng datos.

Napatunayan sa pag-aaral na mahusay ang antas ng kritikal  na pag-iisip  ng mga mag-aaral sa mga isyung panlipunan. Malaki ang epekto ng mga babasahing dagli sa pagsusuri sapagkat ito ay maikli lamang ay naiiwasan ang pagkabagot ng mga mag-aaral.  Gayunpaman, may hamon sa kakulangan ng angkop na materyales para sa kontekstong pampanitikan. Bilang tugon, nakabuo ng supplementaryong kagamitan upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto at mas malinang pa sa mataas na lebel ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.

Inirekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod: una, gamitin ang dagli bilang regular na lunsaran sa talakayan at isama ito sa bawat aralin upang masanay ang mga mag-aaral sa pagsusuri at kritikal na pag-iisip; ikalawa, magbigay ng gabay na tanong na nakatuon sa mas mataas na antas ng pag-iisip at umamit ng mga tanong na nangangailangan ng pagsusuri, paghahambing, at pagbibigay-opinyon; ikatlo, iangkop ang mga dagli sa antas at interes ng mga mag-aaral at pumili ng mga paksang relatable upang mas maging makabuluhan ang pagkatuto; ikaapat, gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo at magbigay ng malinaw na rubriks sa pagtataya upang masukat ang antas ng kritikal na pag-iisip;  ikalima, maaaring magsagawa ng mga susunod pang pag-aaral upang mapagtibay ang naging resulta ng isinagawang papel; at ikaanim, gamitin ang nabuong awtput sa pananaliksik na ito.

Downloads

Published

2026-07-07

How to Cite

Mercado , M., & Fababaer , A. (2026). Paggamit ng mga Dagli ni Eros at Alia Bilang Lunsaran sa Pagpapaunlad ng Kritikal na Pag-iisip ng mga Mag-aaral. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(7), 666-683. https://doi.org/10.5281/zenodo.21244531

Similar Articles

1-10 of 426

You may also start an advanced similarity search for this article.