Mga Diasporikong Salaysay ng mga Taga-Dulay: Pangwawasak ng Marawi Siege, Paglikas, at Pagbangong Muli

Authors

  • Aida Marohom-Manda Mindanao State University Integrated Laboratory School Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.16821734

Keywords:

Diasporikong Salaysay, Meranaw, Dulay, Pagwasak at Pagbuo, Marawi Siege

Abstract

Pinakatunguhin ng pag-aaral ay makalap ang mga personal na salaysay ng mga Internally Displaced Persons (IDP) na mga Meranaw sa Marawi na lumikas dahil sa Marawi siege noong 23 Mayo 2017. Mula rito ay tinugon ang mga sumusunod na layunin: 1) maisalaysay ang mga diasporikong salaysay ng mga Meranaw na kasalukuyang naninirahan sa Dulay sa mga sa mga panahon ng pagwasak, paglikas, at pagbangong muli; 2) maitanghal ang buhay at kalagayan ng mga IDP kaugnay ng kanilang kabuhayan, pamilya, at pananampalataya; 3) mailarawan ang konsepto ng bagong pamumuhay ng mga Meranaw mula sa salaysay ng pagwasak at muling pagbangon.

 

Isang kwalitatibong pananaliksik ang pag-aaral. Sa pamamagitan ng panayam kalakip ang ilang iskala ng metodong indihenus ay nakalap ang tatlumpu’t pitong salaysay mula sa mga IDPng nasa Dulay na ginamit na lunsaran upang tugunan ang layunin ng papel. Gamit ang lenteng pagwasak at pagbuo, nabatid sa mga salaysay na mayroong nawasak at nabuo dahil sa giyera ngunit hindi lahat ay kayang wasakin ng isang trahedyang gaya ng digmaan.

Lumabas sa pag-aaral na sa panahon ng pangwawasak, ang napakagandang alaala nila sa kanilang dating lugar ay napalitan ng wasak, sira, at sunog na imahe ng mga bahay, mga istrukturang komersyal, at iba pang mahahalagang gusaling tulad ng paaralan at masjid. Sa panahon ng paglikas, halos iisa ang kanilang naging tugon – mahirap ang buhay ng isang IDP sa panahong ito. Sa kanilang pagbalik sa Marawi, nalamang hindi na sila makabalik sa kanilang dating lugar. Napadpad sila sa Dulay, isang bagong lugar na bahagi pa rin ng Marawi. Sa kabila ng matinding hamon, matatag nilang hinarap ang buhay sa Dulay – isang lugar na malayo sa matao at maingay na lungsod, na may matibay na pananampalataya. Sa kabila ng mga trauma at hamong narasanasan ng mga IDPng nasa Dulay, nakita sa kanilang mga salaysay, ang pagpapahalaga sa pamilya at mga kaanak na nanatiling buo at napahahalagahan lalo na sa mga panahon ng pangangailangan. Sa gitna na mga guho at sunog na mga labi ng digmaan, nakitang nanatiling matatag ang kanilang pananampalataya sa kanilang Dakilang Lumikha. Naging tagapagpaalala rin ang pag-aaral sa halaga ng kapayapaan.

Downloads

Published

2025-08-06

How to Cite

Manda, A. (2025). Mga Diasporikong Salaysay ng mga Taga-Dulay: Pangwawasak ng Marawi Siege, Paglikas, at Pagbangong Muli. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 1(8), 111-116. https://doi.org/10.5281/zenodo.16821734