Kritikal na Pag-iisip sa Pagsusuri ng Tekstong Pampanitikan sa Pamamagitan ng Socratic Questioning sa Senior High ng Unibersidad ng Batangas
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.21429596Keywords:
kritikal na pag-iisip, Socratic questioning, pagsusuri ng panitikanAbstract
Sa ika-21 siglo, binibigyang-diin ng K to 12 Curriculum Framework ang paglinang ng Higher-Order Thinking Skills (HOTS), partikular ang kritikal na pag-iisip. Gayunpaman, ipinakita ng PISA 2022 na patuloy na nahuhuli ang mga Pilipinong mag-aaral sa pagbasa at kakayahang analitikal. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kritikal na pag-iisip sa pagsusuri ng tekstong pampanitikan gamit ang pamamaraang Socratic Questioning. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa tatlumpung (30) mag-aaral mula sa isang seksyon ng Grade 11 Senior High School ng Unibersidad ng Batangas, taong aralan 2025– 2026.Gumamit ang mananaliksik ng kwantitatibong disensyo at nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng talatanungan. Batay sa resulta, natuklasan na nasa mataas na antas ang lebel ng performans ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tekstong pampanitikan. Napatunayan na ang Socratic Questioning ay nakatutulong sa pagpapalalim ng kritikal na pag-iisip, pagpapalawak ng pananaw, at pagbubuo ng lohikal na argumento. Nagiging mas aktibo ang mga mag-aaral sa talakayan, mas kritikal sa gawaing pangklase, at mas malinaw sa pagsagot sa mga pampagtatayang gawain. Bagama’t may ilang suliraning naranasan gaya ng pagkalito sa layunin ng tanong, kakulangan ng tiwala sa sariling opinyon, at kaba sa pagsagot, napatunayang hindi ito hadlang sa kabuuang bisa ng pamamaraan. Bunga ng pag-aaral, nakabuo ang mananaliksik ng mga interbensyon upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral, kabilang ang pagkatutong nakabatay sa panitikan at inobasyon, paghahambing ng akda sa iba’t ibang konteksto, pagsulat ng rebyu gamit ang teoryang pampanitikan, paglikha ng biswal na representasyon, talakayang panggrupo, at replektibong talaarawan.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
