Offline Mobile Reading Application (OMRA) Bilang Interbensiyon Sa Pagpapaunlad Ng Kakayahan Sa Pagsusuri Ng Teksto Ng Mga Mag-Aaral Sa Ikalabing-Isang Baitang
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20307539Keywords:
pagsusuri ng teksto, interbensiyon, pangkat eksperimental, kontroladong pangkat, Offline Mobile Reading Application (OMRA).Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tayahin ang Offline Mobile Reading Application (OMRA) bilang interbensiyon sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagsusuri ng teksto ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang na nakatuon sa pagtukoy sa paksa, pagtukoy sa kahulugan at katangian ng mahahalagang salita, pagbabahagi ng katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa, pagsulat ng halimbawa ng teksto gamit ang cohesive devices, pagkuha ng angkop na datos at pag-uugnay at pagpapaliwanag ng mga kaisipang nakapaloob sa binasa. Gumamit ng kuwantitatibong quasi-expiremental na disenyo upang ilarawan at suriin ang resulta ng pauna at panghuling panukatang pagsusulit. Pinili at hinati ang animnapung (60) mag-aaral sa pangkat eksperimental at kontroladong pangkat sa tulong ng purposive sampling. Nakalap ang datos sa pamamagitan ng talatanungan na binubo ng 100 tanong na may pagpipilian na nakabatay sa anim na kasanayang pampagkatuto sa pagsusuri ng teksto at inilapat sa Talaan ng Ispesipikasyon. Natuklasan na ang parehong kakayahan ng kontroladong pangkat at pangkat eksperimental sa pagsusuri ng teksto bago gamitin ang OMRA ay nasa katamtamang antas. Matapos gamitin ang OMRA, natuklasan na ang antas na kakayahan sa pagsusuri ng teksto ng kontroladong pangkat ay may makabuluhang pag-unlad at positibong pagbabago samantalang ang pangkat eksperimental naman ay nagkamit ng mas mataas at konsistent na resulta. Lumutang din na ang baseline ng dalawang pangkat sa paunang panukatang pagsusulit ay hindi ganap na magkapantay. Samantalang may lubhang makabuluhang pagkakaiba naman sa antas ng kakayahan sa pagitan ng dalawang pangkat pagkatapos ng interbensiyon kung saan mas mataas ang mean difference ng pangkat eksperimental. Napag-alaman din na may makabuluhang pagtaas sa pagitan ng pauna at panghuling panukatang pagsusulit sa kontroladong pangkat samantalang nagkaroon naman ng lubhang pagtaas sa pangkat eksperimental. Ang mga natuklasan sa pag-aaral ay nagbibigay-diin sa pangangailangan para sa mas nakatuon at tiyak na mga programa sa pagpapaunlad ng OMRA. Humantong ang mananaliksik sa rekomendasyon na ipagamit ang nabuong Offline Mobile Reading Application (OMRA) sa mas malaking populasyon ng mga mag-aaral at mga guro sa Filipino.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
