Pagpatupad ng mga Programa sa Pagbasa at Kasanayan ng mga Mag-aaral ng Baitang 3 sa Dibisyon ng Lunsod Batangas

Authors

  • Julie C. Aclan Golden Gate Colleges Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20525872

Keywords:

Pagbasa, Brigada Pagbasa, E-Readers, Hamon: Bawat Bata Bumabasa, Kasanayan sa Pagbasa, Batangas

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na masuri ang pagpapatupad ng mga programa sa pagbasa at ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Baitang 3 sa Dibisyon ng Lunsod Batangas. Nakatuon ito sa tatlong pangunahing programa ng Kagawaran ng Edukasyon: Brigada Pagbasa, E-Readers, at Hamon: Bawat Bata Bumabasa. Sinuri ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa batay sa pagbigkas, pang-unawa, at pagsasalin ng konteksto ng binasa, gayundin ang mga hamon na nararanasan ng mga guro sa pagpapatupad ng mga nabanggit na programa.

Ginamit sa pananaliksik ang deskriptibong metodo na may kaukulang talatanungan bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos. Ang mga kalahok ay mga guro sa Baitang 3 mula sa mga pampublikong paaralan sa Dibisyon ng Lunsod Batangas. Ang nakalap na datos ay inanalisa sa pamamagitan ng istatistikal na pamamaraan upang matukoy ang ugnayan ng pagpapatupad ng mga programa at antas ng kasanayan sa pagbasa.

Lumabas sa resulta na ang mga programang pampagbasa ay may mahalagang papel sa paglinang ng kasanayan ng mga mag-aaral, subalit may mga hamon sa implementasyon gaya ng kakulangan sa materyales, limitadong oras, at mababang interes ng mga mag-aaral dulot ng labis na paggamit ng teknolohiya. Ipinakita rin ng pag-aaral na may makabuluhang kaugnayan ang lawak ng pagpapatupad ng mga programa sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ng mananaliksik ang pagbuo ng mga makabagong kagamitang panturo, integrasyon ng teknolohiya sa pagbasa, at mas aktibong partisipasyon ng komunidad at magulang upang higit na mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Downloads

Published

2026-06-03

How to Cite

Aclan , J. (2026). Pagpatupad ng mga Programa sa Pagbasa at Kasanayan ng mga Mag-aaral ng Baitang 3 sa Dibisyon ng Lunsod Batangas. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 1357-1383. https://doi.org/10.5281/zenodo.20525872

Similar Articles

1-10 of 240

You may also start an advanced similarity search for this article.