Pagpapatupad ng Hanap Salita Bilang Gawain Upang Mapalawak ang Bokabularyo ng mga Mag-aaral sa Ikatlong-Baitang sa Pribadong Paaralan ng “San Lorenzo Ruiz School of Lipa”
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20438918Keywords:
Hanap Salita, pagpapalawak ng bokabularyo, estratehiya sa pagtuturo, Filipino, ikatlong baitang, mixed method, paglalaro bilang pagkatuto, kasanayan sa komunikasyon, interes ng mag-aaral, San Lorenzo Ruiz School of LipaAbstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang bisa ng gawaing "Hanap Salita" bilang estratehiya sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang sa San Lorenzo Ruiz School of Lipa. Gumamit ang mananaliksik ng mixed method research design na pinagsama ang quantitative at qualitative na pamamaraan. Ang mga kalahok ay 30 mag-aaral sa ikatlong baitang. Ginamit ang researcher-made questionnaire at semi-structured interview bilang pangunahing instrumento. Batay sa mga resulta, lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na epektibo ang Hanap Salita sa pagkilala at pagkatuto ng bagong salita (WM=3.62), wastong paggamit ng salita sa iba't ibang konteksto (WM=3.73), at pagpapataas ng kasiglahan sa paggamit ng wikang Filipino (WM=3.66). Nagkaroon din ng pag-unlad sa kasanayan sa pagbasa at pagsulat (WM=3.76) at kakayahan sa komunikasyon (WM=3.71). Ang pangunahing hamon na naranasan ay ang pagkapagod sa aktibidad (WM=2.97). Sa kabuuan, napatunayan na ang Hanap Salita ay isang makabuluhan at epektibong estratehiya sa pagtuturo ng Filipino na nagpapalawak ng bokabularyo, nagpapataas ng interes at kumpiyansa, at nagpapaunlad ng kasanayan sa komunikasyon ng mga mag-aaral.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
