Kabisaan ng Modyul sa Antas ng Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Gramatikong Filipino

Authors

  • Charmine R. Tallo Naga College Foundation Inc Author
  • Delia C. Villanueva EdD Naga College Foundation Inc Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20443305

Keywords:

Modyul, Kasanayan sa Gramatikang Filipino, Deskriptibo-Komparatibo, ADDIE Model, Kabisaan ng Kagamitan

Abstract

Mahalaga ang paglinang ng kasanayan sa Gramatikang Filipino dahil ito ang nagsisilbing pundasyon ng malinaw at epektibong komunikasyon at pagkatuto ng mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na tasahin ang antas ng kasanayan sa Gramatikang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 9 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Bolo Norte sa Taong Panuruan 2025–2026, gayundin matukoy ang kabisaan ng paggamit ng nabuong modyul bilang kagamitang pampagtuturo. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibo-komparatibong metodolohiya at ang ADDIE Model sa pagbuo ng materyal. May limampu’t tatlong (53) mag-aaral ang naging kalahok. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng pre-test at post-test na pagsusulit na ginawa ng mananaliksik. Sinuri ang mga datos gamit ang Mean, Standard Deviation, Proficiency Level, at t-Test for dependent samples, gayundin ang Cohen’s d. Ipinakita ng resulta na higit na mataas ang kasanayan ng mga mag-aaral sa mga bahagi ng gramatika na madalas gamitin at ituro, samantalang higit na mababa naman ito sa mga estruktural na tuntunin na nangangailangan ng hgit na malalim na pagsusuri at pag-unawa. Ipinakita rin ng mga natuklasan na epektibo ang paggamit ng modyul sa pagpapalalim ng kaalaman at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Gramatikang Filipino. Inirerekomenda ang paggamt ng kagamitan sa pagtuturo bilang interbensiyon sa pagpapa-taas ng kasanayang estruktural ng mga mag-aaral.

Downloads

Published

2026-05-29

How to Cite

Tallo , C., & Villanueva , D. (2026). Kabisaan ng Modyul sa Antas ng Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Gramatikong Filipino. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(5), 3006-3020. https://doi.org/10.5281/zenodo.20443305

Similar Articles

1-10 of 479

You may also start an advanced similarity search for this article.