Kasaysayan Ng Barangay Tulos: Isang Interaktibong Paraan Sa Pagtuturo Ng Panitikan Sa Mga Mag-aaral Na Nasa Ikapitong Baitang Ng Tulos National High School

Authors

  • Erika G. Magyawe Golden Gate Colleges; Dr. Apolonio M. Fababaer Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.20308227

Keywords:

lokal na kasaysayan, interaktibong pagtuturo, panitikan, kultura

Abstract

Ang pagtuturo ng panitikan ay nagiging mas epektibo kapag ito ay inuugnay sa aktwal na karanasan at konteksto ng mga mag-aaral. Isa sa mga makabuluhang paraan nito ay ang paggamit ng lokal na kasaysayan bilang interaktibong kasangkapan sa pagkatuto.

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang bisa ng paggamit ng kasaysayan ng Barangay Tulos sa pagtuturo ng panitikan sa Ikapitong Baitang, partikular sa pagpapalalim ng pag-unawa, pagpapataas ng interes at partisipasyon, at paghubog ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibong disenyo ng pananaliksik upang mailarawan at masuri ang karanasan ng mga mag-aaral. Ang mga kalahok ay tatlumpung (30) mag-aaral mula sa regular na klase ng Ikapitong Baitang sa Tulos National High School. Sa pangangalap ng datos, ginamit ang talatanungan at semi-istrukturang panayam bilang pangunahing instrumento. Ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang weighted mean upang masukat ang antas ng bisa at thematic analysis upang matukoy ang mga karanasan at pananaw ng mga kalahok.

Ipinakita ng resulta na epektibo ang paggamit ng lokal na kasaysayan sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa panitikan. Naging mas makabuluhan, kawili-wili, at konkretong karanasan ang pagkatuto dahil sa pag-uugnay ng aralin sa lokal na kultura at pamumuhay. Bagaman may ilang hamon tulad ng kakulangan sa oras, kagamitan, at hindi pantay na partisipasyon, nanatiling mataas ang pagsang-ayon ng mga mag-aaral sa pagiging epektibo ng pamamaraang ito. Sa kabuuan, napag-alaman na ang integrasyon ng lokal na kasaysayan sa pagtuturo ay hindi lamang nagpapabuti sa akademikong pagganap kundi nakatutulong din sa pagpapanatili at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

Downloads

Published

2026-06-01

How to Cite

Magyawe, E. (2026). Kasaysayan Ng Barangay Tulos: Isang Interaktibong Paraan Sa Pagtuturo Ng Panitikan Sa Mga Mag-aaral Na Nasa Ikapitong Baitang Ng Tulos National High School. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 90-101. https://doi.org/10.5281/zenodo.20308227

Similar Articles

1-10 of 361

You may also start an advanced similarity search for this article.