Balidasyon ng Lagumang Pagsusulit sa Filipino Baitang 7 Ikalawang Markahan

Authors

  • Grecila E. Angel, MAEd Graduate School, Saint Columban College, Pagadian City Author
  • Mailyn T. Guilingan, MAEd Graduate School, Saint Columban College, Pagadian City Author
  • JPA B. Abanan, MAEd Graduate School, Saint Columban College, Pagadian City Author
  • Anna Mae P. Lañohan, MAEd Graduate School, Saint Columban College, Pagadian City Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.18972284

Keywords:

balidasyon, lagumang pagsusulit, ikalawang markahan

Abstract

Mahalaga ang edukasyon sa pag-unlad ng indibidwal at lipunan, at ang wastong pagtataya tulad ng Lagumang Pagsusulit ay may mahalagang papel sa pagsukat ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Upang maging epektibo ang isang pagsusulit, kinakailangang matiyak ang validity at reliability nito, lalo na ang content validity, upang masiguro ang pagkakahanay sa kurikulum at mga layunin sa pagkatuto. Mahalaga rin ang paggamit ng Table of Specifications (TOS) at ang pagsasaalang-alang sa Zone of Proximal Development (ZPD) upang matiyak na ang mga tanong ay angkop sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral. Sa asignaturang Filipino, kinakailangang masaklaw ng pagsusulit ang limang makrong kasanayan upang magkaroon ng komprehensibong pagtataya ng pagkatuto, lalo na sa Baitang 7.

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng mixed methods design upang balidahin ang Lagumang Pagsusulit sa Filipino para sa Baitang 7. Isinagawa ito sa Lungsod ng Ipil, kung saan lumahok ang mga guro at eksperto sa Filipino na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga pangunahing instrumento sa pag-aaral ay ang binuong Lagumang Pagsusulit at Content Validation Checklist. Sinuri ang mga datos gamit ang Content Validity Ratio (CVR) o Content Validity Index (CVI), pati na rin ang kwalitatibong pagsusuri ng mga puna ng mga tagasuri. Mahigpit ding isinagawa ang mga pamantayang etikal sa buong proseso ng pananaliksik.

Batay sa resulta, ang Lagumang Pagsusulit ay nagpakita ng mataas na antas ng validity at reliability, bagaman may ilang aytem na nangangailangan ng rebisyon o pag-alis. Iminungkahi ng mga eksperto ang pagpapabuti sa kalinawan ng mga tanong, ayos ng mga pagpipilian, proofreading, at pagdaragdag ng mga tanong na sumusukat sa mas mataas na antas ng kognisyon at open-ended items. Ipinakita rin ng pagsusuri sa kahirapan at diskriminasyon ng mga aytem ang pangangailangang baguhin o alisin ang ilang tanong upang mas epektibong masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral. Bilang tugon, irerebisa ang pagsusulit upang mapanatili ang mga balidong aytem at mapahusay ang kabuuang kalidad ng pagtataya.

 

Downloads

Published

2026-03-12

How to Cite

Angel, G., Guilingan, M., Abanan, J., & Lañohan, A. M. (2026). Balidasyon ng Lagumang Pagsusulit sa Filipino Baitang 7 Ikalawang Markahan. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(3), 33-46. https://doi.org/10.5281/zenodo.18972284