Pagtataya sa Kasanayan ng mga Guro sa Paggamit ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa: Batayan Sa Pagbuo ng Planong Pagpapaunlad ng Kakayahan
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.22305858Keywords:
Pagtuturo ng Pagbasa, Estratehiyang Oral, Estratehiyang Tekstuwal, Estratehiyang Biswal, Kasanayan ng Guro, Pagpapaunlad ng KakayahanAbstract
Nilalayon ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng pagtataya sa kasanayan ng mga guro sa paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa Estratehiyang Oral, Tekstuwal, at Biswal, gayundin ang pagkakaiba ng mga ito ayon sa edad, haba ng taon ng pagtuturo, pinakamataas na antas ng edukasyon, at buwanang kita ng pamilya. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibo-komparatibong pamamaraan na nilahukan ng limampu’t tatlong (53) guro sa asignaturang Filipino mula sa siyam (9) na paaralan sa Distrito 9 ng Dibisyon ng Silay. Ginamit ang sariling-likhang talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos na dumaan sa balidasyon at pagsusuri sa pagiging maaasahan. Sinuri ang mga datos gamit ang frequency count, percentage, mean, at Mann-Whitney U test. Natuklasan na mataas hanggang napakataas ang antas ng pagtataya ng mga guro sa paggamit ng Estratehiyang Oral, Tekstuwal, at Biswal. Sa Estratehiyang Oral, napakataas ang pagtataya, bagaman ang paggamit ng recorded reading ay nangangailangan pa ng higit na pagpapatibay. Sa Estratehiyang Tekstuwal, napakataas din ang pagtataya, subalit nangangailangan pa ng pagpapatibay ang paghikayat sa mga mag-aaral na markahan o salungguhitan ang mahahalagang bahagi ng teksto at ang pag-oorganisa ng gawaing pagsusuri sa gawa ng kaklase. Sa Estratehiyang Biswal, napakataas ang pagtataya, ngunit kailangan pang patibayin ang paggamit ng flashcards upang matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang mahahalagang salita o konsepto. Ipinakita rin ng resulta na walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagtataya sa tatlong estratehiya kapag pinangkat ayon sa edad, haba ng taon ng pagtuturo, pinakamataas na antas ng edukasyon, at buwanang kita ng pamilya. Ipinahihiwatig nito na ang paggamit ng mga estratehiya ay hindi nakasalalay sa mga nabanggit na katangian. Batay sa mga natuklasan, iminungkahi ang Planong Pagpapaunlad ng Kakayahan ng mga Guro sa Pagtuturo ng Pagbasa na nakatuon sa pagpapatibay ng mga kasanayang nangangailangan pa ng higit na pag-unlad.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.