Pagpapahalaga sa Sarili at ang Kaugnayan Nito sa Akademikong Performans sa Filipino ng mga Mag-Aaral

Authors

  • Mylah Grace L. Villarin STI West Negros University Author
  • Ophelia M. Duayan STI West Negros University Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.22305772

Keywords:

Pagpapahalaga sa Sarili,Dimensyong Mental, Emosyonal, Sosyal, Pisikal, Akademikong Performans, Shielded Metal Arc Welding.

Abstract

Ang pag-aaral na pagpapahalaga sa sarili at akademikong performans ay naging bahagi ng kasalukuyang takbo ng panahon sa pagtulong sa mga mag-aaral. Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng pagpapahalaga sa sarili at ang kaugnayan nito sa akademikong performans sa Filipino ng mga mag-aaral na kumukuha ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCI sa ika-11 baitang ng Senior High School sa isang pampublikong sekundaryang paaralan sa isang lungsod sa hilagang bahagi ng Negros Occidental, ikalawang semester ng taong panuruan 2019-2020. Nakasandig ang pananaliksik sa teoryang Hierarchy of Needs ni Maslow (1943), Theory of Personal Development ni Carl Rogers (1959) at Self-efficacy Theory ni Albert Bandura (1977). Kwantitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral. Bilang instrumento, ginamit ang sariling binuo at pinaunlad na talatanungan na ibinatay sa Rosenberg Self-Esteem Test at Coopersmith Self-Esteem Inventory. Ang talatanungan ay binubuo ng apatnapung aytem na sumasaklaw sa mental, emosyonal, sosyal at pisikal na dimension ng pagpapahalaga sa sarili. Nagtamo ito ng mataas na baliditi iskor na 4.63 at reliabiliti iskor na 0.884 na kapwa may may pinakamataas na interpretasyon. 52 ang tagatugon ng pag-aaral. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang antas ng pagpapahalaga sa sarili ay mataas. Ipinakita ng resulta na mataas ang antas ng pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral, samantalang satisfactory naman ang kanilang akademikong performans sa Filipino batay sa GPA. Sa pamamagitan ng Mann-Whitney U test, natuklasang walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagpapahalaga sa sarili at akademikong performans. Gayundin, pinatunayan ng Spearman’s Rho na walang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapatuloy at mas mahigpit na pagpapatupad ng mga gawaing pampaaralan upang higit pang mapaunlad ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.

Downloads

Published

2026-09-04

How to Cite

Villarin , M. G., & Duayan , O. (2026). Pagpapahalaga sa Sarili at ang Kaugnayan Nito sa Akademikong Performans sa Filipino ng mga Mag-Aaral . Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(9), 53-73. https://doi.org/10.5281/zenodo.22305772

Similar Articles

11-20 of 332

You may also start an advanced similarity search for this article.