Simbolismong Pagmamapa Sa Konotatibong Pagpapakahulugan Sa Nobelang El Filibusterismo Ng Mga Mag-Aaral Sa Ika-10 Baitang Ng Pinagkawitan Inhs, Sy 2025 2026

Authors

  • Ladylee S. Macayan Golden Gate Colleges Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.21377559

Keywords:

Simbolismong Pagmamapa, El Filibusterismo, Konotatibong Pagpapakahulugan, Biswal na Estratehiya

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang pagiging epektibo ng “Simbolismong Pagmamapa” bilang interbensyong estratehiya sa pagpapaunlad ng konotatibong pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa Ika-10 Baitang ng Pinagkawitan Integrated National High School (INHS) sa nobelang El Filibusterismo para sa Taong Panuruan 2025-2026. Isinagawa ang pag-aaral bilang tugon sa obserbasyong nahihirapan ang mga mag-aaral na lumampas sa literal na kahulugan ng teksto at tukuyin ang mga malalalim na simbolismong ginamit ni Dr. Jose Rizal.  

 

Ginamit sa pananaliksik ang purposive sampling na kinasasangkutan ng apatnapung (40) mag-aaral. Ang metodolohiya ay nakatuon sa paggamit ng mga biswal na gabay o graphic organizers upang pag-ugnay-ugnayin ang mga simbolo sa mga isyung panlipunan, pampulitika, at moral. Batay sa mga datos, ang paglalapat ng estratehikong mapa ay epektibong nagsilbing gabay upang hindi malito ang mga mag-aaral sa mga sagisag at nakatulong sa pagbuo ng mas malalim na argumento base sa nakitang koneksyon.  

 

Ipinakita ng resulta na ang Simbolismong Pagmamapa ay may makabuluhang epekto sa pagtaas ng antas ng pagsusuri at motibasyon ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ang paggamit ng mga lokalisadong kagamitang pampagtuturo gaya ng Symbolism Mural Map at Photo-Essay upang mas lalong maging buhay at makabuluhan ang pag-aaral ng panitikang Pilipino sa makabagong panahon.  

Downloads

Published

2026-07-15

How to Cite

Macayan, L. (2026). Simbolismong Pagmamapa Sa Konotatibong Pagpapakahulugan Sa Nobelang El Filibusterismo Ng Mga Mag-Aaral Sa Ika-10 Baitang Ng Pinagkawitan Inhs, Sy 2025 2026. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(7), 1181-1203. https://doi.org/10.5281/zenodo.21377559

Similar Articles

71-80 of 768

You may also start an advanced similarity search for this article.