Pagsusuring Semantika Sa Teksto: Paghubog Ng Kritikal Na Literasi Sa Pananaliksik Sa Filipino
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.21376565Keywords:
kritikal na literasi , pagsusuring semantika , pananaliksik , estratehiyang pansemantika , Senior High SchoolAbstract
Ang pananaliksik ay isang masusi at teknikal na gawain. Upang maisakatuparan nang sistematiko at may kalidad, kailangan nito ng matamang paghahanda. Kaugnay nito, isinagawa ang pananaliksik na ito na naglalayong matukoy ang antas ng kritikal na literasi ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng Pinagkawitan Integrated National High School bilang paghahanda sa pananaliksik. Gumamit ang mananaliksik ng kwantitatibong metodolohiya at deskriptibong disenyo upang matasa ang kakayahan ng 40 mga mag-aaral pagdatng sa paglalapat ng pagsusuring semantika sa mga akademikong teksto. Kinalap ang mga datos gamit ang isang balidong talatanungan.
Sang-ayon sa resulta, natukoy na mataas ang antas ng literal na pagpapakahulugan ng mga mag-aaral (weighted mean: 2.75). Gayunpaman, hamon sa kanila ang pag-unawa sa mga teknikal na salita (weighted mean: 2.45) at pagtukoy sa tiyak na gamit ng salita sa loob ng talata (weighted mean: 2.38). Natasa din na pinakaepektibong salik sa pagsusuring semantika ang debate (weighted mean: 3.38). Pangunahing suliranin naman ng mga mag-aaral ang kalituhan sa pagitan ng literal at konotatibong kahulugan (weighted mean: 3.35).
Bilang kongklusyon, ang pagsusuringsemantika ay isang epektibong hakbang para sa isang mahusay at komprehensibongpananaliksik. Iminumungkahi ang paglalapat ng mga semantikang gawain upang mapaunlad ang kritikal na literasi ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa gawaing pananaliksik.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.