Paggamit ng mga Pamamaraan sa Pagpapaunlad ng Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Mataas na Paaralang Pang Antas Senior sa Timog, Lungsod ng Batangas

Authors

  • Andrew Angelo M. Manalo Golden Gate College Author
  • Esperanza B. Lusanta Golden Gate College Author

DOI:

https://doi.org/10.5281/zenodo.21645480

Keywords:

Akademikong pagsulat, Sustainable Development Goal, literasiya, Classroom Assessment Policy

Abstract

Layunin ng pag-aaral na suriin ang paggamit ng mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng pagsulat ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pang-Antas Senior sa Timog, Lungsod ng Batangas sa Taong Panuruan 2025–2026. Gumamit ito ng deskriptibong disenyo at sariling-gawang talatanungan upang masukat ang antas ng kasanayan sa pagsulat batay sa kasanayang pampag-iisip, pagbuo ng talata, paggamit ng wika at gramatika, kasanayan sa pormal at di-pormal na pagsulat, bisa ng mga pamamaraang pang-akademiko, at mga balakid na nararanasan. Kalahok sa pag-aaral ang tatlumpung (30) mag-aaral sa Baitang 11 na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling, at sinuri ang datos gamit ang frequency count, porsyento, weighted mean, at ranking.

 

Ipinakita ng mga natuklasan na ang kabuuang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral ay nasa mataas na antas, lalo na sa wastong gramatika, balarila, at paggamit ng angkop na ideya at emosyon. Napatunayang epektibo ang pormal at di-pormal na pamamaraan sa pagpapahusay ng nilalaman, organisasyon ng kaisipan, paggamit ng wika, at paghubog ng kritikal na pag-iisip. Gayunpaman, may nananatiling hamon sa paggamit ng salita, pag-organisa ng ideya, at pagsisimula ng sulatin. Dahil dito, inirerekomenda ang pagpapatibay ng mga gawaing nakatuon sa pagpapalawak ng ideya, pagbuo ng talata, wastong paggamit ng wika at bantas, malayang pagsulat, repleksyon, at paggabay sa pagsisimula ng sulatin upang higit pang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa akademikong pagsulat.

Downloads

Published

2026-07-28

How to Cite

Manalo , A. A., & Lusanta , E. (2026). Paggamit ng mga Pamamaraan sa Pagpapaunlad ng Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Mataas na Paaralang Pang Antas Senior sa Timog, Lungsod ng Batangas. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(7), 2766-2782. https://doi.org/10.5281/zenodo.21645480

Similar Articles

41-50 of 578

You may also start an advanced similarity search for this article.

Most read articles by the same author(s)