Digitized Lessons sa Pagpapaunald ng Kasanayan sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng mga Mag-aaral sa Baitang 11
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.22234323Keywords:
2991-3013Abstract
Sa makabagong panahon, ang teknolohiya ay may malaking ambag sa pagbabago ng sistema ng edukasyon. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang epekto ng paggamit ng digitized lessons sa pagpapaunlad ng kasanayan sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ng mga mag-aaral sa Baitang 11. Gumamit ang pag-aaral ng mixed-method research design na kinapapalooban ng 30–40 mag-aaral mula sa isang pampublikong paaralan. Ang mga instrumentong ginamit ay pre-test at post-test, survey questionnaire, at observation checklist. Ipinatupad ang digitized lessons sa loob ng apat na linggo gamit ang PowerPoint presentations, video lessons, at online activities. Batay sa resulta, tumaas ang marka ng mga mag-aaral sa post-test kumpara sa pre-test, naging mas aktibo ang kanilang pakikilahok sa talakayan, at mas naintindihan nila ang mga konsepto sa tulong ng multimedia resources. Ipinakita rin ng survey ang pagtaas ng kanilang interes sa pag-aaral ng wika at kulturang Pilipino. Samakatuwid, ang digitized lessons ay isang epektibong interbensyon sa pagpapaunlad ng kasanayan sa komunikasyon at pananaliksik. Inirerekomenda ang paggamit ng digitized lessons sa pagtuturo, pagsasanay ng mga guro sa ICT tools, pagkakaroon ng sapat na teknolohikal na kagamitan, at pagsasagawa ng karagdagang pag-aaral upang mapalawak ang resulta.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.