Antas Ng Makrong Kasanayan Sa Pagsulat Ng Mga Dayuhang Mag-Aaral Sa Asignaturang Filipino Tungo Sa Pagbuo Ng Planong Aksyon

Authors

  • Rafael A. Cas L’altra Montessori, Inc. Author

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay may layuning tukuyin, ilarawan, at iugnay ang sosyo-demograpikal ng mga dayuhang mag-aaral sa antas ng makrong kasanayan sa pagsulat ng mga dayuhang mag-aaral sa asignaturang Filipino: Isang pag-aaral tungo sa mungkahing planong aksyon sa pagsulat na siyang magiging balangkas sa ikapitong baitang na dayuhang mag-aaral sa L’Altra Montessori School, Inc. Lungsod ng Pampanga sa asignaturang Filipino. Napiling gamitin ng mananaliksik sa pag-aaral ang Deskriptibong Korelasyonal upang ipakita ang ugnayan ng sosyo-demograpikal at antas sa pagsulat ng apatnapung (40) dayuhang mag-aaral bilang kalahok mula sa ikapitong baitang. Non-random ang ginamit ng mananaliksik sa pagpili ng kalahok Nagbigay ng pormal na sulatin ang mananaliksik bilang gawain  at ginamit ang pamantayan ni Hughey et al (1983) upang suriin at ilahad ang mga kahinaang nararanasan ng kalahok nang sa ganoon ay makatulas ng mabisang lunas sa suliranin . 

Ginamit rin ang tseklis ng mananaliksik bilang talatanungang sarbey sa pangangalap ng datos upang mailarawan ang kanilang danas na kahirapan sa pagsulat at pagpapabalido sa mga eksperto. Ang mga antas ng kasanayan na nakapaloob sa tseklis ay binubuo ng sumusunod; (1) nilalaman, (2) organisasyon, (3) wika at gramatika, (4) palabaybayan, (5) paggamit ng bantas at kapitalisasyon., (6) kasanayan sa pagkatuto ng wikang Filipino, (7) at ang tagal ng pananatili. 

Batay sa ginawang pagsusuri ay natukoy ang mga kahinaan na dapat palakasin at pagtuunan ng pansin sa kanilang nararanasang suliranin kung saan lumalabas sa pag-aaral na mas malaki ang nakararanas ng kahinaan sa organisasyon na may resultang (3.1105%) na nangangahulugang hindi organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sapagkat hindi tama ang kanilang paggamit ng bahagi ng pananalita kasama sa kahinaan ang palabaybayan na may resultang (3.1255%) na nangangahulugang napagpapalit nila ang patinig at katinig sa pagbaybay ng salita kaya mali ang baybay ng salita sa paggamit at pagsulat ng wika  bukod dito ay kasama sa kahinaan ang paggamit ng wika at gramatika na may resultang (3.258 ) na nangangahulugang  unang wika ang kanilang nakagisnang wika mula ng mag-aral sa Pilipinas sa asignaturang Filipino na magpapabuti at magpapataas sa kanilang kasanayan sa pagkatuto.

Sa paglipas ng panahon iba’t ibang kagamitang pampagtuturo at interbensiyon ang ginamit ng mga mag-aaral na makatulong  sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman na mayroong makabuluhang resulta sa kanilang pagsulat. Kung kaya’t nasumpungan ang isang mungkahing planong-aksyon. Sa kabuoan, ang mungkahing planong askyon ang magiging pakinabang sa mga guro at mag-aaral sa baitang 7 para sa ikauunlad ng kanilang pagkatuto. upang maiangat at mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagsulat kung kaya’t imimungkahi ang paggamit ng isang planong aksyon na tutugon sa kanila

Author Biography

  • Rafael A. Cas, L’altra Montessori, Inc.

    High School Teacher

    L’altra Montessori, Inc.

    Division Of Angeles City

    Region III

Published

2025-01-30

How to Cite

Antas Ng Makrong Kasanayan Sa Pagsulat Ng Mga Dayuhang Mag-Aaral Sa Asignaturang Filipino Tungo Sa Pagbuo Ng Planong Aksyon. (2025). Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 1(1). https://journals.aloysianpublications.com/index.php/articles/article/view/28